Dear Itay,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa Ontario para tirahan ang bagong bili naming bahay pero hindi ko pa maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito dahil dalawang beses lang nag-snow sa liggong ito, tattlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa. Nakakainis lang anga mga paninda dito. Yung nabili kong shampoo ayaw bumula. siguro nga yung nadampot ko kasi ay For Dry Hair kaya pag ako’y naliligo di ko na lang binabasa yung buhok ko. Kahapon pag-uwi ko, di ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Namamalat na ako sa kasisigaw e hindi pa rin bumubukas. Nagtaka ako dahil Yale naman and nakasulat.
Tay, mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket para sa yo. Medyo me kamahalan dahil mabigat ang mga butones. Para makatipid naman ako sa koreo tinanggal ko muna ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan. Nagpadala rin ako ng tseke para me donasyon naman ako sa pista natin, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.
Si Jhun pala ay may trabaho na dito. Mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Naggugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park. Okay naman ang kita dahil above minimum. Nakapanganak na rin pala si Ate Rosie, ang di ko lang alam ay kung babae o lalake kaya di ko pa masasabi kung ikaw ay bagong lolo o lola. Nagagalak nga pala akong ibalita sa yo na nag-citizen na ako. Kaya lang yung pangalan kong Juan Lumakad e pinalitan ko na ng Johnny Walker.
Hangngang dito na lang. Sumulat ka naman sa akin.
Ang iyong anak,
Johnny
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang naisara ko na ang envelope.
hahahahha
zq, luningning, roc, army….labas nga kayo kasi me namodis sa kabila, jejejeje.